A note made by a friend of mine, and my comment about it.

27 05 2011

people.. well at least most people i know, always always go for complicated situations. 

complicated jobs, people, friends and a whole lot more shitty complications. 
we always complain about a lot of things but we don’t do anything to stop it or to prevent it
we always go for something that will hurt us.. ALWAYS. 
we always go for people who hurt us most AND, we always waste emotions on people who does not deserve them.
ang mga tanga, at naging tanga kapag nakakilala ng magmamahal sa kanila, SASAKTAN. gagawing tanga
(repeat last line)
diba?
makes sense?
ang bad boys laging hot, kasi daw ang sarap patinuin. 
eh pag nagboyfriend ka din naman ng mabait nagiging gago din kasi mabait ka.
so what is it?
masochism or just plain STUPIDITY.
magiging ma pride ka, magiging sobrang tapang mo sa lahat ng bagay, pero pag nainlove ka tamang tama kadin ng katangahan, tapos ung pag papakatangan mo, WALANG PAKIALAM kung mawala ka
ah putangina. 
lokohan nalang ngyayari?
pag mabait ka, gago karelasyon mo.
pag gago ka mabait karelasyon mo kasi nga for every relationship laging may isang TANGA.
ikaw ba yun o sya?
pag mabait ka at mabait din sya magbbreak kayo kasi boring. 
pag gago ka at gago din sya magbbreak padin kayo kasi sobra naman. 
ano ba talaga?
wala nalang para mas masaya?
o meron nalang tapos isipin mo nalang masaya. 
sana hndi lahat ng tao abusado.
sana alm ng mga tao lagi kung ano worth mo para hindi ka naBBV. 
mahal mo nga, masakit naman sa pride
or mapride ka nga tapos hindi mo naman mahal
pag mahal nyo naman isa’t isa, meron at meron pading problema
kapag naman okay kayo magaaway at magaaway padin kayo
when would it be okay?
when you’re gone already? shit. does everything have to be this way? ALWAYS?
how do people survive this?
minsan naman, mahal nyo isa’t isa, takot naman kayo pareho, kasi you both have been in too much shit before so you PENALIZE each other for past mistakes of you past shitty exe’s. 
what the hell. 
tapos hindi ka lagi ipaglalaban kasi nga hindi ka naman din lumalaban. 
mature ka immature sya
immature ka mature sya
immature ka immature din sya
ano ba?
minsan hindi naman nakakasawa ang pagiging tanga
minsan masakit nalang sobr sa pride kasi nga..
nagpakabait ka na tapos nagibang tao ka na para sa kanila tapos..
sasabihan ka,.
wala akong pakialam
sarap naman sa pride.
oh well.
goodnight. 
———”Walang komplikadong bagay. Lahat simple, maayos. Tao lang nagpapakumplika sa lahat ng bagay. May asawa ka, may pamilya ka, mambababe ka. May asawa ka, may pamilya ka, manlalake ka. Pumapasok ka, nagaaral ka, magpapabaya ka. Maganda kalusugan mo, magdodroga ka. Matalino ka, edukado ka, magpapakatanga ka.

Ganun kasi ata talaga. When people think they’ve reach their limit, they tend to destroy themselves so they have something to rebuild. They don’t consider going higher and higher, advancing further and further. Yung akala na nilang okay na, kuntento na sila dun, tapos magsasawa sila, sisirain nila buhay nila, tapos aayusin nila. Kasi nga naman, pag ganun nalang ng ganun, nakakasawa.

History repeats itself… for stupid people. Sa mga taong matatalino, there’s no other way than to go forward.. or higher.. whichever sound better. Haha. Ayun nga. Consider just going forward when you THINK you’ve gone too far. Don’t do “Destroy-Yourself-And-Rebuild-It-Again” for fun or as a hobby. No one knows when and where the road ends but it’s good to know that when you go nowhere but forward, you’re one step closer to it.

Goodnight din, Sis! Hope you’ll have a good sleep!”

P.S.: Rebuild AGAIN. Redundancy or plain stupidity?




Maging Wais Sa Pag-pili Ng Kolehiyong Iyong Papasukan.

25 05 2009

blue and yellow

fuck talaga, nanakawan ako.

yesterday i made punta to the birthday party of my high school friend who is currently making aral sa ust ngayon. syempre im not gonna go na sana kasi puro mga friends nya from ust yung nandun, ede im gonna be put out of place lang from their uber mediocre culture, pero sumama na rin ako out of shame para sa friend kong magtatampo raw sakin if hindi ako pumunta. besides, birthday naman nya so i made bigay na. and sabi nung isa pa naming high school barkada, she’s gonna go rin daw so may kasama naman ako. eh fuck, hindi nagpunta. so ayun, na-op rin ako sa mga super mediocre na thomasians, at kinailangan ko talagang magtiis sa sobrang tangang kultura ng mga hampaslupa.

and guess what, speaking of hampaslupa, ninakawan ba naman ako ng mga pakshet na bobong hindi naman nakapasa ng acet?! i didnt bring food kasi dahil nga sobrang biglaan lang yung invitation ng friend ko, but if ever napaaga siya, i will make volunteer pa talaga para sagutin yung catering. so i told her about it. “bhe,” i said, bhe ang tawagan namin kasi we used to role-play as lovers nung hayskul, “wala akong dalang food eh. okay lang ba?”

she told me na okay lang naman daw. and then i made banat a joke, “sorry bhe ah, lam mo kasi hindi ako sanay magdala ng food sa mga outings, so i made sure na lang that i made dala a lot of money.”
actually, it’s not a joke. as usual, marami talaga akong pera. around seven hundred yata. i know that’s still kinda sad for a super talino and super mayamang atenista like me, pero since we’re gonna go to a sobrang mumurahing resort lang naman nearby and since super mumurahin lang ng mga thomasians, i thought it’s not a bad amount na.

im so fucking sure talaga na may pera ako nun. kasi mom gave me five hundred bucks before she left home for work (my mom manages our own technology company nga pala). plus yung halos three-hundred na natira from last week’s allowance, i have about eight hundred. eh syempre i had to communicate with my high school friend. but then she cant text me kasi i’m smart and she’s using sun cellular (my god, imagine that! how cheap. kinagat ang super amoy-araw na offer ng pang-promding network. buhay-squatter talaga). so i had to buy that 50-peso load na seven days unlimited texts (which is so, oh my god, kadiri talaga). ede ayan, halos seven hundred na yung money ko.

eh malay ko ba naman na while i made that joke, meron palang thomasian who was making pakinig to me. well of course makikinig talaga sya sakin. atenista ako eh. whatever comes out of my mouth is so full of brilliant ideas. well anyway, ayun. so habang we were making langoy to the eww so init na tubig dahil siguro nagdisperse na yung heat from those super kadiring putikang thomasian bodies, may mga naiwan (leftovers) na thomasians dun sa table where we made lagay our bags. and im sure, someone was making panood to me while i took off my shirt to make pakita my super attractive atenean body and i made lagay my authentic tommy hilfiger wallet sa bag ko. and then yun, while i was making tiis talaga na wag masuka dun sa tubig out of respect na lang sa high school friend kong may birthday kahit na diring-diring na talaga me to those retards in the pool, one of those cock-sucking thomasians made bukas my bag and stole my money. so fucking kakainis.

oh well, wala naman akong evidence pero common sense na lang na sila yun. mahirap lang sila eh. i didnt make hanap na kung who among them yung nagnakaw ng money ko. i mean, thomasians are poor fucked up pitsqueaks who are so uhaw sa tubig españa (uste), just like what my super brilliant fil12 profs say when they talk about post-modernism and marxism (i bet none of those stupidong thomasians know what im talking about). you know, yung mga super poor na mga anak-putik like them are sometimes left without a choice other than making nakaw on other people’s money, so instead of making galit to them dahil baka mamaya kung ano pang super smart na salita ang lumabas from my purely atenean mouth, i just thought na it’s my way of helping poor people.

although syempre, i also felt pagkainis for them. i mean, we ateneans, even though we’re the smartest people in the world, we have feelings too. there was a time nga talaga na gusto ko na sanang makipag-fist fight with them. they’re so mayabang kasi eh, despite the fact that i made tiis to my own emotions, cuz we ateneans are not making padala to our urges. we use our brains. there’s this thomasian guy who thinks he’s so darn fucking hot that while i was making shower in the (duh) shower, he walked around naked ba naman? i cant make paniwala nga how he managed to be that confident about himself. well of course i didnt look. i mean, we ateneans always have bigger members. pero the nakakainis na part here is he was like making lakas his boses, “oy maghuhubad ako ah. tangina pare pakialam ko sa titi mo meron din ako nyan. ganun nga kami sa locker room ng boys sa ust eh, lahat kami nakahubo.”

so mediocre talaga. he’s like making parinig to me pa talaga?! kaya nga i got even more disgusted eh. i mean, we ateneans, even though we’re guys? we dont just go around the public naked cuz our bodies are so mamahalin. like, if you make your body public, it’s so cheap. we ateneans have always been told through our jesuit, catholic, filipino education that our body is the temple of the holy spirit. no wonder sobrang babang uri ng mga people ang mga thomasians.

sigh.. they’re so grabe talaga. of course i didn’t make sermon on him na kasi he’s gonna have access pa to quality ateneo education. pero im never gonna go out na talaga with those dimwitted cocksuckers. hay naku, thomasians… they so fucking make chupa to my atenean dick. kaya nga bagay na bagay talaga silang magchampion sa uaap season 69 eh.

siguro it’s just that we ateneans aren’t in the same dumb stupid boat like the thomasians. if that happened, maghahalo ang mga kulay namin. result? green. away talaga to…
“god is a thomasian”
since napag-usapan na rin lang natin ang mga thomasians sa previous blog post ko, i remembered tuloy the time when (confetti made of recycled manila paper) ust finally won the championship against (fireworks imported from hawaii and a red carpet from hollywood) ateneo, may isa na naman akong high school friend galing sa eww so mabahong uste na nagyabang sakin tungkol sa championship nilang mga chuapero.

habang pinag-ayos ko ng kama yung muchacha naming graduate ng nursing sa ust kasi matutulog na ko nun, may tatak pa man din ng ateneo yung bedsheet ko pati yung mga pillows, nagtext yung high school friend ko. knowing na sa ateneo ako nag-aaral, i mean.. sa batch kasi namin ng about 100 people, ako lang ang nakapasa ng ateneo, yung anim sa eww-so-mabaho-rin na up, yung iba sa ust, yung iba sa skwelahan ng mga berdeng baka na may beri-beri pa yata kaya naninilaw yung isang gilid (feu yata yung name ng school, di ko kilala eh), tas yung iba sa mga pipichuging schools na lang from all around the corner, ako lang *ahem* ako lang ang kapasa ng ateneo. and that happens in real life (duh, nangyari na nga sakin eh). out of about 100 high school graduates, isa lang sa kanila ang nakakapasa ng ateneo. pag bumagsak, dun sila sa mga less competent schools.

so anyway, knowing na ako nga lang sa batch namin ang nakapag-aral sa ateneo, he texted me. he was making asar to me daw na nanalo sila. of course, on my part, ang yabang ng dating nya. but then i realized, thomasian to, nagpapapansin lang, naghahanap lang ng dahilan para itext ng isang atenistang katulad ko para i-adore nya for the rest of his life at i-save sa inbox ng cellphone nyang dadalhin nya sa loob ng kabaong nya until death, at hindi nya pa rin buburahin yung reply ko till then kasi nga pagdating daw sa gate of heaven hahanapan ka raw ni san pedro ng isang text message from an atenean (imagine that, sa sobrang taas ng quality of education namin, pati heaven narating?). so ayun, instead of making galit to him, i told him na lang, “haha. congrats.”

i mean, we ateneans are really good when it comes to practicing sportsmanship. so ayun, instead of making puna his obvious na kayabangan about the championship, i accepted our defeat as a real man, as a real *ahem* atenean. but then of course friend ko naman yun kaya i also made biro to him. so sabi ko, “if i know, chamba lang yun.”

and do you know what he replied to me?! this is.. oh my god, so against the fourth commandment of the lord our god! sabi ba naman nya, “god is a thomasian.” imagine, he used the name of the lord our god in vain! sobrang bad talaga ng values education sa ust. i mean, kilala pa man rin daw sila as the oldest catholic university in asia ? with the pontifical chuchu whatever pa that they make attach to the university’s name if you’d check out their kulay dilaw-na-taeng website? *spit*

grabe, sobra na talaga yun. god is a thomasian?! that’s the biggest insult i’ve ever heard. papayag ka ba naman na ang god pala na sinasamba natin as the all-knowing almighty father, our only source of wisdom, ay isang pipichuging tomasino lang na hindi nakapasa ng acet? my golly, sobra na talaga.

Responses:

1. FUCK YOU!

2. Ikaw ang nakakadiri. Kung tingin mo na ang Ateneo ang pinakamataas ang standard at nanggaling na sayo na hindi pumapatol ang mga Atenean sa mga hampas-lupang taga UST, edi sana in the first place hindi ka nag-um-effort na mag post ng ganito at magsayang ng 1 oras kakaisip ng mga highfaluting words na if I know ay tinyaga mong hanapin sa diksyonaryong English-Pilipino para lang masabi mo na kayong mga Atenean ay malalawak ang bukabularyo.

3. May pa-GOD GOD ka pang nalalaman. Temple of the holy spirit, eh puta kung makapagsalita ka nilabag mo na agad ang Ten commandments. And if I know, at pinapatunayan na rin ng mga salita mo sa post mo, na isa kang miyembro ng ABC (Ateneo Brokebackers Club), at nung time siguro na naghubad yung Tomasino na yun sa loob ng shower room ay laglag na agad ang brief mo.

4. Ginamit mo pa ang Jesuit-Catholic teaching sa mga panlalait mo sa ibang normal na tao na ka-level mo lang naman (dahil hindi porket Atenean ka ay angat ka na sa iba), ay, sa tingin mo, sino ang nagmukhang pangit ang ugali? Eh kala ko ba mga Atenean ay magagaling? Eh Good Manners and Right Conduct lang hindi mo siguro na perfect nung highschool ka. BULLSHIT!

5. Nakalagay din sa isinulat mong walang hiya na “ eww-so-mabaho-rin na up”. Eh kung titignan mo sa world’s top 500 university ay mas mataas ang rango ng UP sa inyo. Malapit na nga kayong malaglag dahil nasa 450 pataas na kayo. Sino ngayon ang eew?

6. Sinasabi mo na magagaling at matatalino kayong mga Atenean, eh di ka nga makapag straight English dahil sa mga kabaklaan mong kompusisyon ng pananalita.

7. Kung matatalino at magagaling talaga ang Atenean, alam mo kung kelan magbibigay ng conclusion at kung kelan hindi, eh base dyan sa post mo na aminado ka na wala ka naming ibidensya, at base lang sa “Atenean Instincts” mo, na ninakawan ka ng mga taga UST, eh kung dadalhin yan sa Supreme Court, sino ngayon ang matatalo? Edi nakulong ka pa dahil sa SLANDER at LIBEL. BOBO!

8. Kung mayaman, at pang “Atenista” talaga ang buhay mo, sana hindi ka pumasok doon sa highschool na pinagaralan mo na may passing rate lang ng 1% sa ACET. Edi nag mukha kang below average dahil sa highschool na pinanggalingan mo? Ang talas kasi ng dila mo! Ayan tuloy, ikaw lang nagbabaon sa sarili mo.

Pahabol: Wala akong galit sa Ateneo, sayo lang na hampas-lupa ka, kung sino ka man. Pasensya sa mga salitang nagamit ko dito sa aking post. God I seek for forgiveness. Hindi porket sa UST ako mag-aaral, ay gusto ko na rin ang UST.. stand ko lang ang pinaglalaban ko dito.





Truly, Madly, Deeply

7 04 2009

I want to stand with you on a mountain, I want to bath with you in the sea..

Haha. Naalala ko lang. Sino ba sa atin ang hindi dumaan sa mga boybands? Aminin. Lahat siguro tayo [pertaining to my generation at sa mga naabutan pa ang panahon na sumiklab ang Backstreet Boys, Westlife, A1, Boyzone, 98 Degrees, Boys2Men, N*Sync, etc.] ay nagdaan sa ganyang klase ng mga kanta. Naalala ko lang kasi nung bata ako, inaabangan ko pa yung countdown sa videoke channel [yun ba title nun?], wala pang Myx o Mtv nun, tas yung mga sikat na kanta pa nun ay mga kanta ng M2M, Michelle Branch, Vanessa Carlton, Savage Garden at iba pa.

Hanggang sa nauso na ang Linkin Park, Limp Bizkit, Gorillaz, at yung sinasabi pa nilang mga kanta ni Britney Spears nung virgin pa siya. Actually di ko na alam kung ano ang nauna sa mga yan, parang tanong ng itlog at manok. Kung merong boybands sa mga lalaki mawawala ba ang Spice Girls para sa mga babae? Ang S-Club 7 na when two become one.. Haha. Paminsan masarap talaga mag reminisce ng mga bagay bagay, ewan ko lang kung bakit ito ang napili kong paksa na alalahanin. Labo.

Kayo ba meron kayong mga bagay, o kung anong aspeto sa buhay sa nakaraan na pinagtatawanan niyo ngayon dahil sa sobrangka-jologan? Yung tipong kinakanta mo pa yung mga songs ng Salbakuta? Nang ma-inlab ako sayo kala ko’y pag-ibig mo ay tunay.. O yung sumayaw sa mga fiesta fiesta na ang tugtog ay Upside Down, thank you very much.. Haha, aminin. Dahil diyan, may naisip ako, magcomment kayo dito sa post kong ito ng mga bagay na kinahihiya niyong nagawa, ginawa at nangyari sa buhay niyo. O diba? Magandang raket ‘to.

Naalala ko pa dati, nakikipag-agawan pa ko sa mga kaibigan ko kung sino ako sa isang grupo. Kunwari ikaw si Mark ng Westlife at o si Justin TImberlake ng N*Sync. Haha. Badtrip.

Wala na kong maisip..

Conclusion: Ayon sa ating pambansang bayani, “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay masahol pa sa hayop at malansang isda”  ay mali pala. Haha. Kaya wag na kayong mahiya. Magcomment nalang kayo para masaya.

Pahabol: Kakagising ko lang, nagugutom na ko. Aalis na kami mamaya! Vigan, Pagudpod! Here I Come!!





I Don’t Know What To Do But To Give Part Two Of My Confessions

31 03 2009

Ang haba naman ng title ko. Bakit yan? Wala lang. Bawal? Tae. It’s been so long.. Almost 2 months na kong di nakakapagpost. At dahil diyan eto muna..

UPDATES

May kasambahay na kami, nung Feb 12 pa.

NakapagPROM na ko at nabayaran ko na rin yung ginastos kong P1,500 dun

Mga bandang 3rd week of Feb nawala ang internet namin

March wala pa rin

Grumaduate na ko ng Highschool nung March 20. Ayoko sanang ipagyabang pero.. sige na nga, 1st Honorable Mention ako grumaduate.

Nagkaroon ng summer job: BUMMER

Naaadik na ko ulit sa Poker

Nagbabalik-loob ako sa DeMolay after ko maging inactive

Akshuli bumisita ako sa isang chapter na gusto ko talaga puntahan – Kalilayan Chapter. Mawawala ba ikaw sa special mention, Raji Aguirre? Haha.

Magtatapos na ang March wala pa rin internet

April 1 kanina.. Kasi mga 3:58AM na ng April 2. Sa wakas nagkainternet na – o joke lang ng PLDT dahil April Fools?

Kakauwi lang galing Embassy

Akshuli di talaga rason ang pagkawala ng internet namin sa kadahilanang hindi ako makapagpost, tinatamad talaga ako at wala akong maisulat na matino. Pero dahil in-demand ako ulit ngayon – [kambiyo] joke lang – magbabalik-loob din ako sa blogging. At sana mapanindigan ko na to. Wala akong maisip.. Teka, may pumasok sa isip ko ngayon. May panibago akong phone ulit, bago lang, pero pareho pa rin ng unit, yung n92 pa rin pero mas bago. Ganito ang nangyari. Dahil masugid na tagasabkrayb ang tatay ko ng plan sa Smart, in-offer-an siya ng rentention plan na papalitan daw ng n96 ang n92 niya na phone. Eto na, dahil nagmaganda, sabi ko yung akin nalang yung papalitan niya dahil ngarag na siya at yung ginagamit niya talagang n92 ay sa’kin nalang. Pumayag. Yes. Spell i-n-g-g-i-t. Ang ganda nung n96. 16gb. Nakakabadtrip tatay ko. Haha. Eto pa isa tungkol sa selepono. Balita ko may nawalan na NAMAN daw ng selepono. Kawawala lang ng phone niya, tas napalitan, tas nawala na naman. Lintsak!

Tsk. Sorry lang kung wala akong ibang masulat dito. Wala talaga akong maisip. Ah! Eto pa pala, tungkol na naman sa selepono. May nagkalat na na mga Recycle Bins sa loob ng mga sosyaling Malls na nakalagay: “We Recycle”. At ang mga nakalagay sa loob, mga lumang cellphones. Ewan ko kung matagal na ang modus operandi na yan pero.. WTH!!! Ang daming mga selepono dun, kung pede lang kumuha at iuwi tas ako nalang magpapagawa nung cellphone.. Nakita ko to sa loob ng bagong mall sa Eastwood. At speaking of the bagong mall, ang ganda. Badtrip. Para siyang mall na punong puno ng christmas lights pag gabi. Parang casino. May malaki pang digital screen na pina-plug ang incoming Harry Potter movie sa July.

Gano nga ba kadalas ang minsan? Joke lang. Naisip ko lang yan. Gano nga ba kaimportante ang cellphone sa mga tao sa Pinas? Para kasi sa akin isa itong necessity. Isang bagay pangkumyunikasyon na kelangan ng mga tao upang maging konektado sa iba. Pero ngayon, marami nang kaartehan ang cellphone. Pede ka ng manood ng tv. Magfikshur fikshur. Kumuha ng bidyow. Pede ka nang maginternet. At kung ano ano pa. Akshuli di pala kaartehan yung term. Basta may term dun. Ang dami ng chor-chor ng cellphone ngayon. Dati kasi naabutan ko pa nung unang sumiklab palang ang cellphone sa mundo. 5110 palang ata ang makikita mong gamit ng mga artista nun. Ngayon makikita mo nalang yung 5110 sa isang Recycle Bin ng cellphone sa loob ng mga malls. O kaya sa mga gulong ng kotse pagkat ginagamit na tong pangkalso. O kaya sa mga paborito mong suking tindahang nagbebenta ng halo-halo dahil ito na ang pangkaskas nila ng yelo.

Wala na ko ulit maisip..

Conclusion: Wala. Error error. Wala na talaga ako maisip.

Pahabol: Nais ko nalang batiin at pasalamat ang mga taong nagpupumilit sa akin magpost ulit. [yak. kala mo naman sikat.]  Kevin Paguio. Raji Aguirre. Aia Solis [sabihin mong di mo ko pinaga-update] Cris Vitug [joke lang. Cris Gutierrez. may hard time lang talaga ako spell surname mo.] At kung sino naman yung mga taong gusto akong magupdate pero ayaw lang sabihin.. Wushooo.

Pahabol Part 2: Ultimate bummer. Walang magawa. Ayoko ng ganito. Gusto ko occupied palagi ako. Tsk. Somebody Help Me!!!!!!





Bloggers’ Manic Weirdness (BMW)

6 02 2009

Dahil weirdo at walang magawa ang mga tao ngayon sa blogosperyo, ito ang pinagkakaguluhan nila ngayon. Tinag ako ni Badoodles ng KwentongBarbero.com, at dahil uto uto ako ay gagawa din ako. Magbigay daw ng sampung interesanteng bagay tungkol sa sarili mo. At dahil daw dakilang paki-elamero si Master Badoodles ay ginagawa niyang 9 nalang ito at ang isa daw dapat ay KwentongBarbero lang. Kaya eto:

1. Nangupit ako dati ng isang pirasong TEKS sa isang tindahan sa aming village noong bata pa ako. Akshuli kaming dalawa ng kapatid ko yan. Tas tuwang-tuwa kami sa aming ginawang kalokohan at shinare namin ito sa aming mga pinsan. Nalaman ng Tito namin at ginulpi kami. Tas binayaran yung tindahan ng isang libo. Badtrip. Sana sa akin nalang napunta yun. Ngayon ko lang tuloy na-realize na ang mahal pa nung isang libong yun tas dahil sa PRIDE ng Tito ko ay ganung halaga ang binayad.

2. May isa akong kaibigang nakatira sa likod ng isang school na itatago ko sa pangalang AICS (Antipoli Immaculate Conception School). Isang beses ay pumunta kami ng kapatid ko doon at naglaro. Uso pa nun yung beyblade. Nang out of the blue ay napagtripan namin batuhin ng posporo ang bintana ng isang classroom sa school na yun. Una pa-isa-isa lang na posporong may sindi yung binabato namin. Nang naboringan na kami ay sinindihan namin yung isang box at binato sa bintana. After 10 mins. pinuntahan yung bahay ng kaibigan ko at kinausap ang nanay niya. Badtrip, na-timing-an pa na nandun yung nanay niya. Kinonpiskeyt tuloy yung beybalde kit ko.

3. Kolektor ako ng fake IDs. Nakakasama ako sa mga pinsan ko at nakakapasok sa “Embassy” dahil meron akong fake ID. Meron akong voter’s ID, ID ng Greenwich (Sta. Lucia branch), DeMolay ID na edited ang bday, at yung iba di ko na nalala. Nasira na yung laminate nila.

4.Maraming palit na ko ng selpown. Dahilan – palagi kong nawawala. Ultimate mang-wawala ako ng phone. Ngunit kahit ganun ay next in line parin ako sa mga parents ko pag dating sa pamana ng selpown. Mas mataas pa ang rango ko sa kuya ko pag dating sa pag mana ng selpown.

5.Isa ko sa mga kanto boys dati ng village namin at sa school na rin. Wala atang linggo na hindi ako nakasama sa isang inuman. Well, that’s past and I’m really not proud of it. Inom, yosi, etc. Dati nung mga panahong yun natutuwa pa ko. Pero ngayon pag naaalala ko, eew, gross. Haha. Cheap. Pero kahit ganyan ako, hindi parin ako nawawala sa Honors List ng school ko. Responsable parin pagdating sa ekwela.

6.Speaking of eskwela, kaya hindi ako nawawala sa Honors List ay dahil madiskarte akong tao. May kasabihan nga.. ako na, “Daig ng MADISKARTE ang MASIPAG”, dahil kahit anong sipag mo, kung wala ka naman diskarte ay wa epek ka din. Kopya dito.Kopya dun. Ang maganda pa nun, pag medyo nasa TOP ka kasi ng section niyo e sa likod ka nilalagay at ang mga mahihina ang nilalagay sa harap para yun ang matutukan, dun mas masaya magkopyahan. Pag nasa likod ka at kasama mo ang mga wais din ng section niyo.

7.Part time ko ang pag-pipirata. Dahil malaki ang capacity ng aming de-uling na computer at mabilis ang dial-up connection, ako ang official taga-download ng mga bagong movies, bagong episodes ng mga TV series, newest softwares, games at kung ano anong may kinalaman sa mundo ng  pag-pipirata sa World Wide Web. Nag-je-jail break ng Ipod, nang-ha-hack ng mga softwares para maging libre, yung wala ng mga registration at kung ano ano, etc.

8.Tinatawag akong PASTOR ng mga kaklase ko dahil sa aking biglaang pagpapalit anyo. Dating ex-convict (parang si Master Badoodles) na ngayon ay nagbabait-baitang anghel. Dati ang mga GM ko sa selpown ay Green Jokes, ngayon ay salita na ng Diyos. Dati props lang ang bag ko sa school, ngayon.. may laman na kahit papaano – ang Bible. Naging tahanan narin ang Robinson’s Galleria kung saan matatagpuan ang Victory Ortigas.

9.Paminsan naiisip kong mamatay ng isang araw. Yung nakaburol na ko tas nasa loob ng kabaong. Gusto ko kasi malaman kung sino yung mga pupunta dun sa burol, tas kung sino yung iiyak, sino yung hahagulgol tas babangon ako sabay sabi ng “BULAGA! Oy kalma lang! Joke time lang to!”

10.Nag call boy ako isang beses sa may Ermita upang mabayaran ang JS Prom ko na nagastos ko pambili ng sang katerbang Baygon dahil binabahayan na ng lamok ang aming banyo.

Siyam dyan ang tunay at isa ang kwentong barbero. Tanong: Alin diyan ang kwentong barbers lang?

Dahil likas sa atin ang mandamay ng mga tao, gusto kong i-TAG sina… ang lahat ng nasa Blogroll ko.

Conclusion: Masarap talaga maging nasa likod ng klase. Lahat ng bagay ay may paraan. Kung hindi ka makapasok sa mga bar dahil minorde edad ka palang, gumawa ng fake ID. H’wag mang babato ng kahit ano sa loob ng isang paaralan.. kung katabi neto ang bahay niyo. H’wag lang maging masipag, maging madiskarte rin. Payong kaibigan lang, itigil na ang pag-iinom at pag-yoyosi, wala kang mapapala diyan! Tsk. Supportahan ako sa pag-tuligsa ng Harry Potter book series sapagkat tinalo neto ang Bible bilang best selling book of all-time. Paano? Bumili ng biblya at basahin ito. Kung gusto niyo rin ang numero 9, try niyo muna ang Baygon, ma-co-confine kayo nun pero ‘di naman deds, tas malalaman mo na kung sino ang mga bibisita sa ‘yo sa ospital. O diba?Parang ganun narin.

Pahabol: World Peace!





I Hate This Part Right Here

27 01 2009

Pasensya na kung nagkalimutan tayo saglit. Hindi ko irarason ang oras sa kadahilanang hindi ako nakakapag-post dito. Marahil tinatamad lang ako. Ay mali, hindi lang talaga maayos ang kompusisyon ng utak ko ngayon. I can’t really organize my thoughts kaya hindi ako makapag-post ng bago. Wala akong masabi. But that doesn’t mean there’s nothing going on in my life now. Ano lang kasi, simula ng umalis na nanay ko e nag nanay-nanayan na ko dito sa bahay. Nakakaasar nga e. Gigising ng alasingko, magluluto ng breakfast – kala nila nagluluto ako, umoorder lang ako sa karinderya sa kabilang street – gigisingin mga kapatid ko, magwawalis-walis – hindi ko lang kasi talaga matagalan na madumi yung lugar na ginagalawan ko, gusto ko malinis, dagdag pera points din yan sa magulang pag nakita ka naglilinis – magchecheck ng gasul, tubig, ilaw. Ayun, nakakaasar, pero ganun na talaga. Akshuli hindi ko naman talaga dapat ito ginagawa, wala pa lang kasi kaming nahahanap na kasambahay kaya hindi pa ko makapag-buhay-batugan sa ngayon. Akhuli palagi naman talaga kami kumukuha ng kasambahay ewan ko lang ngayon kung bakit.

Naaalala ko tuloy yung mga panahong palagi kaming may kasambahay. Pinagtitimplahan ako ng juice habang nanunuod ng cartoon network at nickelodeon. Ngayon may Disney channel na, wala pa nun sa cable namin nung bata ako. Ginigising pa ko dati ng favorite kong yaya tas binubuhat pa ko papuntang banyo, tas dun hinuhuba*** pa niya ko tas iiwan na ko para… maligo na ko. Oo ganun ako katamad gumising dati, kaya palagi akong late sa school. Paminsan siya pa nagtu-toothbrush sa akin, kulang na nga lang nguyain niya yung pagkain tas lulunukin ko nalang sabay sabi ng YUM. Loko lang, hindi ako ganyan katamad, akshuli ako pinakamasipag sa amin e (weh? talaga lang!). Lumaki kami ng kapatid kong nakakatanda sa akin ng isang taon na palaging may kasambahay na nagbabantay sa amin. Naniniwala ako sa mga palabas na tipong “Problem Child” mga ganun, kasi paramis! ganun talaga kami ng kapatid ko dati! Kada 2 buwan ata nagpapalit kami ng kasambahay dahil hindi kinakaya ang hagupit namin ng kapatid ko, nung bata talaga kami pag nag sama kami daig pa namin si Gohan at Trunks na nagfusion (Gotenks). Natatandaan ko pa dati, kumakain kaming lahat, buong pamilya kasama yung kasambahay namin. Kumuha ng tubig yung kasambahay namin, edi tumayo, tas tayo din ako, tas kunwari may pupuntahan. Nilapag na ng kasambahay namin yung pichel ng tubig sabay nung umupo na, BLUGUG! LAGLAG! Paramis, hanggang ngayon hindi ko parin mapatawad ang sarili ko sa ginawa kong yun, inalis ko yung upuan ng kasambahay namin, e medyo chubby-chubby pa yun. Umalog talaga mga fats niya. Pero pagkatapos nun, ayun! gulpe! Naalala ko hinataw ata ako ng walis tambo ng tatay ko nun.

Kung may mga mababait na katulong, meron din naman yung isinusumpa mo na at kung may lakas loob ka lang ay itapon yung mga damit niya palabas ng bahay. Isang beses hindi ata kami natulog ng tanghali ng kuya ko, tas tatakas kami (tumatakas kami gamit yung bintana, dati kasi may daan pa sa likod ng bahay namin palabas). Ayokong ayoko kasi matulog sa tanghali nun bata ako, gusto ko nasa labas ako naglalaro, kahit mainit at mangamoy araw ako. Tas yun, yung ginawa sa akin nung katulong namin kinulong ako sa cr namin tas patay ilaw (yung switch kasi nun nasa labas). Iyak ako ng iyak nun naalala ko, parang batang musmos na nawala sa isang mall. Tas yung kapatid ko naman tinali patiwarik. Joke na lang yan! Pero yan talaga gusto ko mangyari sa kanya. Haha. Joke.

Ayun. I really hate this part right here. Katulong.. kung asan ka man ngayon, magpahanap ka na, para naman guminhawa na buhay ko!! Please!

Conclusion: Mahirap ang buhay ng walang kasambahay, kaya dapat ay maging mabait sa kanila. Pasalamat pa tayo’t napagtyatyagaan pa nila tayo – o kami lang? Haha.

Pahabol: Pasensya kung wala akong matinong masabi. Ang importante ay hindi tayo nagkakalimutan at nagpost na ako muli. Haha.





This Is For You. For All You’ve Done For Me..

16 01 2009

Wohow! Anong petsa na?! Pasensya na kung ang tagal kong di nakapagpost. Kasama kasi itong blog konh ito sa mga pinag-FAST ko. Oo. Fast. Nag-fasting ako for 7 days. Ginawa ko ‘to to start the year right. Kasi pag ang start ng year mo ay maganda, dere-derecho na yan hanggang sa 365th day ng taon. This year, I’m believing God for so many things, break thrus, and blessings to happen to me and my family.

Jan 9-15 yung fasting namin. Pag patak palang ng alas-dose ng Huwebes, may kagimbal-gimbal na naganap na agad. Joke lang. 12am palang ng madaling araw nung Thursday, dumating ang tatay ko, at may pasalubong siya sa akin. N92 na cellphone. Oha! First day palang nung fasting ko e may blessing na naganap na agad. Eh that’s one of what I’m believing God for this year. To have a new phone. Tas yun, sobrang faithful talaga ni God. GOD IS AMAZING!

Eto pa isa. Kasama rin kasi sa mga faith goals ko na maka-attend ang mga classmates ko ng Victory Christian Fellowship. Yung church kung saan ako nag-chu-church. Jan 14 may naganap na naman na unexpected. Pumunta ang Victory Christian Fellowship sa aming school at nagsagawa ng program dun. Sobrang galing ni God! Hindi lang yung classmates ko yung gusto niyang i-reach out pero yung buong school pa! Sobrang ang saya talaga. Overwhelming gratitude! Kasi during the Fast palang binigay na ni God yung iba kong mga faith goals. At kahit tapos na ang Fast, I still know that He will continue to provide for my needs, give us blessings, continue to use me for the advancement of His kingdom and be a channel of blessings to others. Wew!!

So much for that. Nakakamiss magsulat. Tagal kong di nakapag-post. Pero ganun talaga, kelangan ko muna i-surrender to for God. C-in-onsecrate ko kasi sarili ko kay God. Ayun!

Etong buwan na ito ay buwan ng mga labasan ng… t… Test Results ng mga Universities. Pinaka-unang naglabas ang La Salle sumunod ang Ateneo tas UST. And God is so great kasi pasado naman ako. YEAH!!! UPCAT Results nalang di pa nilalabas! UP! You’re next! Excited na ko na kinakabahan. Sana pumasa ako sa UPCAT. Pag-pray niyo naman ako! Haha.

Conclusion: Simple lang. Trust God and everything else will follow. Put all your trust in Him because God never fails. Just believe in God. Put all your heart to Him. God is faithful and He will never forsake us. For He has a plan for us. Plan to prosper us. Plans to give us a HOPE and a FUTURE!

Pahabol: Congrats kay master badoodles! Tatay na! Special thanks for Raji Aguirre sa pag-pa-plug ng site ko. Haha. Thanks bro! Pasensya kung medyo spiritual yung post ko. Mabilisang post lang to dahil tagal ko nang di nakakapag post.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.