Ang haba naman ng title ko. Bakit yan? Wala lang. Bawal? Tae. It’s been so long.. Almost 2 months na kong di nakakapagpost. At dahil diyan eto muna..
UPDATES
May kasambahay na kami, nung Feb 12 pa.
NakapagPROM na ko at nabayaran ko na rin yung ginastos kong P1,500 dun
Mga bandang 3rd week of Feb nawala ang internet namin
March wala pa rin
Grumaduate na ko ng Highschool nung March 20. Ayoko sanang ipagyabang pero.. sige na nga, 1st Honorable Mention ako grumaduate.
Nagkaroon ng summer job: BUMMER
Naaadik na ko ulit sa Poker
Nagbabalik-loob ako sa DeMolay after ko maging inactive
Akshuli bumisita ako sa isang chapter na gusto ko talaga puntahan – Kalilayan Chapter. Mawawala ba ikaw sa special mention, Raji Aguirre? Haha.
Magtatapos na ang March wala pa rin internet
April 1 kanina.. Kasi mga 3:58AM na ng April 2. Sa wakas nagkainternet na – o joke lang ng PLDT dahil April Fools?
Kakauwi lang galing Embassy
Akshuli di talaga rason ang pagkawala ng internet namin sa kadahilanang hindi ako makapagpost, tinatamad talaga ako at wala akong maisulat na matino. Pero dahil in-demand ako ulit ngayon – [kambiyo] joke lang – magbabalik-loob din ako sa blogging. At sana mapanindigan ko na to. Wala akong maisip.. Teka, may pumasok sa isip ko ngayon. May panibago akong phone ulit, bago lang, pero pareho pa rin ng unit, yung n92 pa rin pero mas bago. Ganito ang nangyari. Dahil masugid na tagasabkrayb ang tatay ko ng plan sa Smart, in-offer-an siya ng rentention plan na papalitan daw ng n96 ang n92 niya na phone. Eto na, dahil nagmaganda, sabi ko yung akin nalang yung papalitan niya dahil ngarag na siya at yung ginagamit niya talagang n92 ay sa’kin nalang. Pumayag. Yes. Spell i-n-g-g-i-t. Ang ganda nung n96. 16gb. Nakakabadtrip tatay ko. Haha. Eto pa isa tungkol sa selepono. Balita ko may nawalan na NAMAN daw ng selepono. Kawawala lang ng phone niya, tas napalitan, tas nawala na naman. Lintsak!
Tsk. Sorry lang kung wala akong ibang masulat dito. Wala talaga akong maisip. Ah! Eto pa pala, tungkol na naman sa selepono. May nagkalat na na mga Recycle Bins sa loob ng mga sosyaling Malls na nakalagay: “We Recycle”. At ang mga nakalagay sa loob, mga lumang cellphones. Ewan ko kung matagal na ang modus operandi na yan pero.. WTH!!! Ang daming mga selepono dun, kung pede lang kumuha at iuwi tas ako nalang magpapagawa nung cellphone.. Nakita ko to sa loob ng bagong mall sa Eastwood. At speaking of the bagong mall, ang ganda. Badtrip. Para siyang mall na punong puno ng christmas lights pag gabi. Parang casino. May malaki pang digital screen na pina-plug ang incoming Harry Potter movie sa July.
Gano nga ba kadalas ang minsan? Joke lang. Naisip ko lang yan. Gano nga ba kaimportante ang cellphone sa mga tao sa Pinas? Para kasi sa akin isa itong necessity. Isang bagay pangkumyunikasyon na kelangan ng mga tao upang maging konektado sa iba. Pero ngayon, marami nang kaartehan ang cellphone. Pede ka ng manood ng tv. Magfikshur fikshur. Kumuha ng bidyow. Pede ka nang maginternet. At kung ano ano pa. Akshuli di pala kaartehan yung term. Basta may term dun. Ang dami ng chor-chor ng cellphone ngayon. Dati kasi naabutan ko pa nung unang sumiklab palang ang cellphone sa mundo. 5110 palang ata ang makikita mong gamit ng mga artista nun. Ngayon makikita mo nalang yung 5110 sa isang Recycle Bin ng cellphone sa loob ng mga malls. O kaya sa mga gulong ng kotse pagkat ginagamit na tong pangkalso. O kaya sa mga paborito mong suking tindahang nagbebenta ng halo-halo dahil ito na ang pangkaskas nila ng yelo.
Wala na ko ulit maisip..
Conclusion: Wala. Error error. Wala na talaga ako maisip.
Pahabol: Nais ko nalang batiin at pasalamat ang mga taong nagpupumilit sa akin magpost ulit. [yak. kala mo naman sikat.] Kevin Paguio. Raji Aguirre. Aia Solis [sabihin mong di mo ko pinaga-update] Cris Vitug [joke lang. Cris Gutierrez. may hard time lang talaga ako spell surname mo.] At kung sino naman yung mga taong gusto akong magupdate pero ayaw lang sabihin.. Wushooo.
Pahabol Part 2: Ultimate bummer. Walang magawa. Ayoko ng ganito. Gusto ko occupied palagi ako. Tsk. Somebody Help Me!!!!!!



talaga!?n92 na 16gb!?taeness..:o..peram..hahaha.
mag post ka pa ulet..dali dali dali dali!
importante selpown bro kasi kung wala ka nun sa palagay mo nakarating ka sa lodge namen nung linggo? hehehe kaya ang moral lesson eh dapat may load tayo! kasi kung may selpown wala naman load tapon mo na din lang sa “We Recycle”.. haha Question?? Sino kumanata ng “Insomnia”? Si Rihanna o Craig David? haha
Response: haha. tama tama. tumpak ka sa sinabi mo. Insomniaaaaa!! haha. namiss ko yun bro. try ko ngang maglagay ng “We Recycle” sa bahay namin. baka chumambang may maglagay.
hahahah!basta solis,cris vitug ang tawag sakin.nyahahhaha!:))
well..hirap ka sa pagspell ng name ko..
waw.pero parang di naman..hahahah!!
so natuloy pala kayo magEMBA.nice.sama ulit ako next time.nyahaha!:))
nice blog bro nkakita nden ako nun “we recycle” na un e kaso nga lng wla mpagsuutan ng kamay tska puro hawzing lng ang andun hahaha remember me?
response: sure bro I remember you! haha.
si craig david
ASA KA NAMAN! HOY ILAGAY MO KO DUN SA MGA INIIDOLO KUNG HINDI, HINDI KITA PIPICTURE-AN PAGPUNTA NATIN SA PAGUDPUD! GO! EDIT YOUR LINKS!
response: lakas mo talaga. most higH!!!
p.s. pati ako nahihirapan magspell ng surname ni cris. WAHAHHA lagi ko pang tinitignan yung contacts ko para lang makita. hahahaha
response: o diba? apir!
hahaha!
@aia
mahirap ba talgang ispell.hahah!:))isipin nio nalang artista.wahah!
Insomnia, it’s like the darkness is light! bum bum bi dam dam di bam bam.. haha
“Eto pa isa tungkol sa selepono. Balita ko may nawalan na NAMAN daw ng selepono. Kawawala lang ng phone niya, tas napalitan, tas nawala na naman. Lintsak!”
- parang kilala ko kung sino tinutukoy mo dito. hahaha. lol!